Ang pagkakaroon ng pagpapabakuna para sa mga ang edad ay nasa 19 na taong gulang mula sa ika-16 ng Enero taong 2010 (ipinanganak pagkaraan ng ika-1 ng Abril taong 1991), sa mga taong nasa edad na 65 taong gulang.
※ Subalit, sa pagsasa-alang-alang ng bilang ng mga bakuna na ipamamahagi ng bansa, sa ilang mga ospital , mangyaring tandaan lamang na ang bakuna ay hindi masisimulan sa hanggang sa araw ng iskedyul na nakasaad sa listahan
| Ang mga kasakop | Binagong iskedyul sa panahon ng pagpapabakuna (naging ika-20 ng Nobiyembre) |
|---|---|
| Health Workers | Mula sa linggo ng Oktubre 19 hanggang sa unang bahagi ng Disyembre |
| Nagdadalang-tao (buntis) | Mula Nobiyembre hanggang sa katapusan ng Marso |
| Mga taong may kapansanan (prayoridad)※ | Mula Nobiyembre hanggang sa unang bahagi ng Enero |
| Mga taong may kapansanan (atbp.)※ | Mula Disyembre hanggang sa katapusan ng Enero |
| Mga bata (mula sa edad 1 taong gulang hanggang sa edad bago pumasok sa paaralang pang-elementarya [ipinanganak mula sa ika-2 ng Abril taong 2003 pataas]) | Mula ika-4 ng Disyembre hanggang sa katapusan ng Pebrero |
| Sa mga batang ang edad ay nasa elementarya sa ika-unang baitang hanggang sa ikatlong baiting (ipinanganak mula ika-2 Abril taoong 2000 hanggang sa ika-1 ng Abril taong 2003) | Mula ika-4 ng Disyembre hanggang sa katapusan ng Pebrero |
| Mga magulang o tagapag-alaga ng mga batang ang edad ay mababa sa 1 taon gulang gayundin sa mga may mataas na prayoridad sa pagpapabakuna at sa mga magulang na hindi maaaring tumanggap ng pagbabakuna sa kadahilanan ng kapansanang pang-pisikal | Mula ika-18 ng Disyembre hanggang sa katapusan ng Pebrero |
| Mga mag-aaral mula sa ikaapat ng baitang hanggang ikaanim na baitang sa elementarya (mga batang ipinanganak mula ika-2 ng Abril taon 1997 hanggang ika-1 ng Abril taon 2001) | Mula ika-18 ng Disyembre hanggang sa katapusan ng Pebrero |
| Sa mga ang edad ay nasa gulang ng isang Junior High School (ipinanganak mula ika-2 ng Abril taon 1994 hanggang ika-1 ng Abril taon 2007) | Mula ika-18 ng Disyembre hanggang sa kalagitnaan ng Marso |
| Sa mga ang edad ay nasa gulang ng isang Senior High School (ipinanganak mula ika-2 ng Abril taon 1991 hanggang ika-1 ng Abril taon 1994) | Mula ika-18 ng Disyembre hanggang sa kalagitnaan ng Marso |
| Sa mga matatanda (nasa edad 65 taong gulang pataas) | Mula ika-16 ng Enero hanggang sa bandang hulihan ng Marso |
| At iba pang mga prayoridad sa pagbabakuna (para sa mga ang edad ay nasa 19 na taong gulang mula sa ika-16 ng Enero taong 2010 (ipinanganak pagkaraan ng ika-1 ng Abril taong 1991), sa mga taong nasa edad na 65 taong gulang.) | Mula ika-16 ng Enero hanggang sa bandang hulihan ng Marso |
※ Ang iskedyul sa pagpapabakuna sa darating na panahon ay maaaring magkaroon ng mga pagbabago. Mangyari lamang na alamin sa pamamagitan ng website ng lalawigan para sa mga pinakabagong impormasyon.
※ Kung ang panahon ng pagpapabakuna ng bawat kasakop ay tapos o lumipas na, maaari pa rin mabakunahan.
※ [Para sa mga may pangunahing kapansanan] gayundin sa mga prayoridad, mangyari lamang na tiyakin ang kalagayan na kalusugan sa inyong manggagamot
※ Para sa mga bata na ang edad ay mababa sa 1 taon gulang (ipinanganak makalagpas ang ika-4 ng Disyebre taon 2008), dahil sa maliit na epekto ng bakuna, ang mga magulang ang babakunahan.
Ang pagpapabakuna ay sa pamamagitan ng appointment.
Ang mga listahan ng mga institusyon pang-medikal kung saan maaaring magpabakuna ay nakatala sa homepage ng lalawigan (Praktisyoner pang-medikal).| 1 beses | ¥3,600 yenes |
| 2 beses (sa parehong lugar tulad ng sa 1 beses) | ¥2,550(total=¥6,150) |
| 2 beses (ibang institusyon kaysa 1 beses) | ¥3,600(total=¥7,200) |
※ Para sa mga ang edad ay kasing-edad ng isang mag-aaral ng Junior/Senior High School (mula 13 hanggang 18 taong gulang) ang pagpapabakuna ay mayroong pagbabago, ang 2 beses ay naging 1 beses na lamang.
※ Tungkol sa pagbaba ng halaga ng pagpapabakuna, ito ay naaayon sa munisipiyo ng inyong lugar . kung kaya’t mangyari lamang na makipag-ugnayan sa munisipiyo ng inyong lugar para sa katiyakan nito.
Ang bakuna ay isang maaaring mabisang paraan sa pagpigil ng malubahang komplikasyon, ngunit hindi maiwasan ang sariling impeksiyon.
Hanggang sa kasalukuyan, siguraduhing mapanatili ang paghuhugas ng kamay, pagmumumog ng bibig maging ang tamang pag-aasal at pag-uugali sa pag-ubo.
![]() Pag-uwi sa bahay, maghugas ng kamay at magmumog ng bibig !!! |
![]() Kapag nasa labas ng bahay magsuot ng MASK !!! |
|
|
Mula Lunes hanggang Biyernes (maliban sa araw ng pista opisyal [mula ika-29 ng Disiyembre hanggang ika-3 ng Enero] at sa mga araw ng bakasyon) mula alas 8:30 ng umaga hanggang alas 5:15 ng hapon